Home » Post Item » Matam-is na Pagmamahal
Ang mga karanasan nuong kabataan ay bahagi ng mga aral at ala-ala ng katandaan.

Matam-is na Pagmamahal

May 7, 2009

Ang tawag sa kaniya ay “Ilaw ng Tahanan”, hindi dahil sa siya ang nagsisindi ng gasera sa pagsapit ng dilim. Hindi rin dahil sa siya ang gumigising sa kaniyang mga anak sa pagsikat ng araw sa umaga. Ito ay dahil siya ang nagbibigay ning-ning sa buhay ng bawat isa sa loob ng tahanan.

Gising na si ina bago pa laang tumilaok ang aming tandang sa madaling-araw. Hangos na sa pagsisindi ng kalan upang magluto ng agahan.

Bago magtanghali, nalininis na ang mga ulbo at napakain na rin ang patabaing baboy at ang dalawang bulaw. Nagamasan na rin ang taniman ng gulay at nakapagdilig na rin.

Sa pagsapit ng takip-silim handa na rin ang hapunan. Nakasalansan na rin ang mga panggatong na mga urang sa kalan.

Walang kapaguran ang pangaraw-araw na gawaing-bahay ng isang ina. Hindi ko na naisulat pa ang iba. Ginagawa niya ang lahat ng mga ito hindi upang magmapuri or magmalaki. Ginagampanan niya ang pagiging ina dahil sa matam-is na pagmamahal niya sa kaniyang mag-anak.

Sa iyo ina at sa lahat ng mga ina, isang maligayang pagbati sa inyo sa “Araw ng mga Ina” (Mothers’ Day) sa ika-10 ng Mayo taong 2009.

Posted by kaandoy at 2:55 pm | permalink

Previous Comments

Maaga ang pagpapahayag mo ng iyong saloobin tungkol sa ating ina.

Ang akin ay nasa proseso pa lamang ng paghabi.

Ang ina ay walang katulad. Napakabusilak ng kanilang puso, dalisay ang kanilang kalulwa.

Posted by J.Kulisap at May 7, 2009, 3:27 pm

PANGARAP NI ADIONG

Maliit pang bata si Eladio Dimaano (Adiong ang palayaw nya) ay malimit na syang mangarap ng kung anu-ano. Matatayog na pangarap na halos kasingtayog ng langit sapagkat lubhang dahop laang ang buhay. Malikhain din sya at mahilig sa mga kutkutin. Nakagagawa sya ng yugo (yoke) ng araro, mga platong bao ng niyog, trumpo (top), at marami pang iba. Dahil sa salat sa pananalapi ay di sya nakatapos ng pagaaral kahit sa elementarya sampu ng kanyang mga kapatid. AT dahil dito ay sa maagang pag-aasawa siya humantong. Habang pinalalaki ang apat niyang anak ay nan duon pa din ang mga pangarap nya sa buhay na sa sandaling yaon ay nais niyang sa mga anak na laang nya matupad. Masaya na sana ang pamumuhay nila ng isang araw ay iginupo ng karamdaman ang bunsong anak at namatay. Tigib ng pagdaramdam at lipos ng lungkot ang buong sambahayan subalit pinilit nilang makausad. Dumaan ang maraming mga taon at halos walang nagbago sa buhay ng mag-anak maliban laang sa pag-edad nila hanggang sa nagsipag asawa ang natitira niyang tatlong anak pa pareparehong high school laang ang natapos. Isang araw ng nasa bukid si Adiong ay nagyari ang hindi inaasahan. Ang kawalan ng salapi para malagaan ang kataw-an ay nagbunga ng maraming karamdaman at sanhi na din ng katandaan. Na stroke si Adiong at dinala sa uspital. Ilang araw syang nanatili doon at halinhinang binabantayan ng mga nak at asawa nya. Minsan ay dinalaw ko at gumiti ang luha sa aking maga mata sa tan-awing aking nakita. Nakasalaksak sa bibig ang malaking hose na plastic at batbat ng tusok ng karayom ng hiringilya ang magkabilang baraso. Lumipas ang mga araw at iniuwi na sya sa kanilang bahay. Duon sya inaalagaan ng kanyang may bahay at anak na babae na ngay-on ay balo na. Sa malimit kong pagdalaw sa kanya ay naaalaala ko ang mga pangarap niyang nauwi sa wala. Makatwiran kaya na sisihin ang kahirapan kung bakit hindi mo nakakamtan ang pangarap mo sa buhay? Sadya nga bang pantay-pantay ang pagkalikha sa atin? Bakit gay-on? Hindi ko makita ang dahilan. Hindi ko maipaliwanag kung bakit hindi parepareho ang kalagayan ng tao? Sino ang dapat sisihin? Sino ang may sala sa mga pagdurusa ng marami? Pagakabuti at pagkainam ng may pangarap sa buhay. Ito ang magbibigay giya sa pagtakbo sa buhay na tatahakin. Tama na merong obheto ang bawat isa upang maging tuunan ng pananaw habang hindi pa ito nagaganap. Masarap ang pakiramdam kapag natupad ang iyong inaasam. Mangarap tayo na magarap hanggang kaya natin sapagkat walang itong bayad.

Posted by Norben Mendoza at July 8, 2009, 10:40 am

Si Adiong ay hindi nag-iisa, marami siyang kauri ngunit sadyang ganun yata ang presentasyon ng uri ng buhay sa mundo, hindi pantay pero kung mangangarap tayo ay parehas lamang..kahit sa pangarap lamang, narating natin ang rurok ng tagumpay, mas masaya kung ang pangarap na iyon ay ating nalasap

Posted by J.Kulisap at July 13, 2009, 7:35 pm

lasa ko’y sa pangarap lahat ay may kanya-kanyang pagkakataong mag-ani ng tagumpay kung isasagawa ito.

Ang tagumpay ay maaring mailap sa iba ngunit masagana naman sa iba.

Posted by kaandoy at July 15, 2009, 11:41 pm

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment