Home » Post Item » Lihim Pangkalusugan
Ang mga karanasan nuong kabataan ay bahagi ng mga aral at ala-ala ng katandaan.

Lihim Pangkalusugan

April 18, 2009

Si Nanay Turay (Pastora ang buong pangalan) ay 94 taong gulang na ngunit ang pagkalakas pa. Araw-araw ang pagtatarbaho sa bukid maliban la-ang kung Linggo. Hindi pa nasikat ang araw eh yumaya-o na pasilangan. Tatlong ilat ang tinatawid bago makarating. Sa hapon naman eh suong-suong ang mga ginapas na damo, pakaen sa baboy; ang pakakasipag.

Ano ga ang kayang lihim pangkalusugan? Ang akeng pagkakaalam ay laging sariwang gulay at bungang-kahoy ang kayang pagkaen. Bulanglang ang pagkakaluto. At kung may ista at baboy, nais niya ay pina-is na ayungin o kaya ay bakule. Ang karne ay kanyang binabange. Ayaw niya ng hawot at binitad. Napaka-alat daw at malansa.

Matalas din ang kayang isipan. Lasa ko’y sanhi ng paginom niya ng kapeng barako tatlong ulit sa isang araw. Pagmalameg ang gab-e, nabarek siya ng kauntek. Hindi siya nahithet ng tabako; nginunguya niya ito. Parang nagngangata ng nganga. Pagkaminsan ay nakaka-adwa. Dura kasi ng dura.

Tuweng tanghali pagkakaen ay natulog siya at nagising pagsapit ng ika dalawa ng hapon. Sa gab-e, harok na sa pagtulog pagsapit ng ika siyam. Huminto laang siya sa pamumukid ng isang umaga ay hindi na siya nagising. Matigas pa sa kulig ng aming hipuin. Sinapit niya ang kanyang ika-124 na kaarawan.

Sa ating makabagong pamumuhay, maunlad at masigla ang mga pamayanan. Ilang kaya sa aten ang aabot sa gulang tulad ni Nanay Turay?

Posted by kaandoy at 3:39 pm | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment