Ang Saltek ni Andoy
March 21, 2009 Sino nga ga sa aming baryo ang kabataang lalake na hindi humawak ng saltek? Sa edad na walo, araw-araw ang aking pagsasanay. Namimintug ang aking mga bulsa; puno ng mga makikinis na bato, pambala sa saltek.Hayun, law-law naman ang pundiyo eh, sa big-at ng bulsa. Karaniwang mga kawawang mga ibon at pagkaminsa’y mga asong-gala ang mga pinupuntirya. Ngunit pangunahin na ang mga ibon. Bukod sa malili-et, sila ay hinde nagsilayo kahit nabulabog. Para ‘gang naghahamon na tamaan sila. Isang hapon, yakag ako ng aking nakakabatang kapated. Itinuro ang isang pakiskes sa puno ng kakaw. Abot-abot naman ang pag-awit ng item na ibon. Pagay-ang gay-an pa ang buntot. Aking sinipat, pumaharap naman itong aking kapated upang iturong maige ang ibon. Pagbitaw ko sa balat na naghahawak ng bato, umigkis ang gomang naghagis ng bato sa sawing-palad na nilalang. Sabay sa pagtahimik ng ibon ay ang pag-aringkeng ng aking bunsong kapated. Tinamaan pala ng goma ang kayang mata sa paghaplit ng saltek. Paano ga naman eh napakalapet ng pagmumukha sa harapan ng tirador. Ang aral: Kung mag-iisyoso, lumagay sa maayos. Wag uulaga-ulaga. Palaging isaisip ang kaligtasan. Tala-salitaan: Saltek o tirador = sling-shot. Pakiskes = a middle sized black bird.
Previous Comments
Ang mga ala-ala ay dapat pagyamanin. Ito ay ating dadalhin hanggang sa huling hibla ng buhay.
Salamat sa iyong pagdalaw.
Posted by kaandoy at April 1, 2009, 9:35 pmNahilig din ako sa tirador nuong kabataan ko. Mga mangga at lata naman ang aking inaasinta.
Posted by geri at April 9, 2009, 10:55 amBalatik ang tawag sa amin ney-an. Gamit ng mga batang hira-hira at hangos ….
Posted by Paquita at April 14, 2009, 12:43 pmYour character shows in your posts…nostalgic isn’t it? Good to bring back old memories. Love it.
Posted by tammy at April 14, 2009, 8:55 pm@geri, tama na mga lata ang iyong inaasinta. walang buhay na nakikitil. Salamat sa pagdalaw.
@paquita, sa amin ang balatik ay isang patibong sa mga daga.
@tammy, maraming salamat at nagustohan mo ang aking mga sinulat.
Posted by kaandoy at April 14, 2009, 9:53 pmAng alam ko sa “Pakeskes” ay hindi isang ibon. Ito ay isang berdeng “Kulilis” na humuhuni o kaya sumisiyap pag dakong alas kwatro ng hapon hanggnag mga ala sais ng gab-i.
Posted by awit-awit at May 26, 2009, 11:50 amAng pagkaka-alam ko ng sumaltek ang kapatig mo na tumama sa kanyang mata yung balat ng saltek ay nalaglag ang “bungga”
Posted by awit-awit at May 26, 2009, 11:55 amAll comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.







Marahil ay natagpuan ko na ang kadugtong ng isang alaala. Ang mga nakaraan na nakayakap pa rin sa aking pagkatao.
Ang tawag sa amin ‘nyan ay paltik.
Posted by kayumanggingdamdamin at March 30, 2009, 6:06 pm