Salamat Ina
February 16, 2009 Marahil ay dala ng kabataan o kaya naman ay sadyang tamad la-ang. Ayaw maghiso at maghilamos bago matulog. Kung ano ang suot na damit maghapon, siya ding suot sa pagtulog. Kaya ayon, tadtad ng an-an ang li-eg at batok, pati pisnge. Arampoy ni ina sa paglilinis ng kataw-an. Natuto la-ang maghiso nuong pinagsaktan ng ngipen. Nang makaranas nang pagsakit ay nagpagilong-gilong noong gab-e sa higaan at palahaw ng iyak. Ayaw yatang magpatulog nang iba. Sa umaga naman eh pinapahiran ni ina ng salisalik asid ang pisnge at li-eg para mawala ang an-an. Ngibet naman eh, sa hapdi ng asido. Kung hinde nagmalasakit si ina ay hindi matututo ang batang si Andoy. Salamat kay ina. Pahabol: Sa aking pang-unawa, likas sa ina ang dakilang pagmamahal sa kanyang mga anak. Hinde kailangang may maturo pa upang ang mga dapat gaw-en ay matupad, maliban na la-ang kung tunay na may kakulangan sa pag-iisip.
Previous Comments
Lasa ko’y marami ka ring latay na tinaglay bunga ng mga haplit ng patpat. Mahapdi at mainit ang bawat dampi lalu na’t yari sa kawayan.
Ngunit ang sakit ng bawat latay ay may aral na taglay. Marapat laang ang pagtutuwid sa mga pagkakamali. Di ga?
Posted by kaandoy at April 4, 2009, 1:03 amMas mahirap hilumin ang haplit ng sugat na walang kagamutan Ka Andoy, tanging pagtinging positibo lamang ang maaaring lumunas subalit maramot ito kung minsan.
Posted by KULISAP at April 6, 2009, 9:23 amAla ay pagkaganda pala ng site na ire. Nakakatuwa naman. Gusto ko sanang maki aliasad sa usapan, kaya la-ang ay inanabot ako ng pareho. Paano ko kaya maibibida ang mga kwentong makaka kaligkig sa mambabasa.
Posted by Omben at April 7, 2009, 3:45 pmala eh, sige ng sige. Salamat at napasyal ka. Magyakag ka pa ng bababayan naten eh.
Posted by kaandoy at April 7, 2009, 8:59 pmkulisap, ang lakas-luob ay tinuring sapagkat ito ay hinde galing sa buto at balat. Kundi sa puso at damdamin.
Posted by kaandoy at April 7, 2009, 9:05 pmmagandang umaga sa iyo. akoy nakain at pandalas ako ng sakol para magsulat dine. mantakin mong ang bata dine ay pag-as na pag-as na sa kapapalakat. hiniyawan ko nga ay lalo pa inilakas at inarira pa ako. susot na susot ako pero wala naman ako magawa. kinuha ko na laang at paka malundag sa ulabat ay magpatak pa. nakakaawa naman. ay sya sa susunod na uli at mangungumpay pa ako pagkatapos mag gamas.
Posted by omben at April 16, 2009, 8:16 amWALANG GALANG
Sa panahon ngay-on marami mag bata ang bargas at palipanghod ang pag uugali, katulad halimbawa ng usapang ito:
Ina:Kumare, beken ka ga napaginda dine?
Kumare:Ala ay gusto ko laang makipaglipon at kumustahin ang inaanak ko. Nasaan ga?
Ina: Ay awan ko nga ba sa batang iyan, (tamang tama dumating ang luko at pawisang pawisan) hada ng hada, di mahuta huta.
Kumare: AT parang walang nabusiligan at hindi man laang naingle ng nginisihan ko.
Ina: Hoy anak, mag haplot ka nga at bumuog ka na laang. Tatalaw kapa. Hali adyo kana.
Kumare: AY naku kumare, ang mga bata nga naman ngay-on. Hayai na laang.
Ina: Sya nga pala, kumain ka na ga? Nakain ka ga ng hawot? Idawdaw mo na laang sa sukang sinilihan.
Kumare:Ay huwag na. Ant tutuo niyan ay itatanong ko laang kung ano ga talaga ang nangyari sa aksidente sa my ilaya.
Ina: Ganire iyon, kanina nang akoy nagwawalis sa may balisbisan ay di napatingala ako, nakita ko yung eroplano na nasisilab at paikit iki pababa. mabuti na laang at sa my ilat sumugba, kung nagkataon ay di maraming utas. Pero yung isang nakatangla ay nagalayan sa may lulod. Ayun hirol sa sakit at palakat ng palakat.
Kumare: Nasaan ngay-on ung nakatangla?
Ina: AY awan ko na. Pumasok nako agad at yung sinasangkutsa ko e nasusunog na.
Kumare: O sya akoy yayao na muna at kukumpayan ko pa ang baka namin, pagtapos eh maggagamas pako sa pulo. At manunungkit pa ako ng mura. Wala ka ga diyang matayog na tikin?
Ina:Ay wala nga kumare. Kung gusto mo sa kahanggan ko ka maghiram. Sabihin mo ay ako ang nagpaphiram.
Kumare: AY huwag na laang. Yayao na laang ako at mukhang kylangan ko munang manabihan. Wala ka gang pang iwag diyan?
Ina: Wala eh. Umuwi ka na laang.
Posted by omben at April 16, 2009, 11:47 amKa Andoy, di ga ang pakiskes ay hindi kulay item? Parang abuhin yun eh. Kung manuka ay kabtel sa balat. Ikaw palay taga tan-awan. Kame namay taga santo tomas. magkarateg laang ang mga bayan natin. Yan laang.
Omben
Posted by Omben at April 17, 2009, 8:20 amKabayan, ikaw ga’y nakain ng pinais na biyang butike? Ang aking ina ay kagaleng magluto ng gay-an. Minsan naman ay tawiles na nahuhule sa talisay. Ay pagkasarap baga lalo na’t ang pang pais ay talbos ng balinghoy. Iya’y kasing sarap ng ginat-ang baguong balayan na sawsawan ng sinapaw na talong na bilog. Iyan lage ang sabug-ong ko nuong akoy napasok pa sa mabababg paaralan na hindi inaasahan ay ako laang naman ang balidiktoryan.
Hindi ako naghahambog kabayan, baka banatan mo ako eh at ayuko ng may kagalet.
O sya hanggang sa muli.
Norben “Omben” Villanueva Mendoza
Pahabol 1.
Ang akin nga palang ina ay tubong nasugbu at sa luksuhin namamaraka.
Pahabol 2.
Ako nga palay madameng kamaganak sa batanggas na ang apelyido a:
Dimaiuga (Dimayuga)
Dipasupil
Dimaano
Dimapiles Dikona matandaan pa ang iba.
Salamat kay kabayang Ka Andoy na siyang nag anas sa akin na may ganireng website. a-ah pag kakatuwa ko ng mabuksan ko eh. hindi na nga halos ako nakakapagtrabaho sa opisina. Nakakawala baga ng stress. Ano nga sa atin ang "STRESS"?
Pakisagot naman ng nakakaalam.
Salamat.
Omben
Posted by Omben at April 17, 2009, 8:40 amka omben, salamat sa pagda-an dine. ikaw pala ay katalino’t balidiktoryan sa mababang paaralan.
kasarap ng hawot ngunit ang akeng laging ulam ay binitad na sapsap.
Posted by kaandoy at April 18, 2009, 2:43 pmKa andoy, Ako namay hinde pagkatalino, nagkataon la-ang na alam ko lahat sagutin ang mga tanong ng guro ko. hehehe. Ang aking bagang ama ang nagturo sa akin. pati nga unang asawa ko eh turo din ang ama ko, kaya la-ang ang pagka walanghiya pala. Ay iniwanan ako eh! ipagpaumnahin mo ang aking lengwahe kabayan ngunit iyon talaga ang bagay sa kanya.
Maglipon nag tayo tungkol sa lihim ng kalusugan ni Andang Turay. Akoy nasang-ayon sa nakasulat duon. Sa amen nag pag nauwe ako ay ipinaghahanda ang aking ina ng nilanggot na balanoy. Alam mo ga ang balanoy? iyon ay mga talbos ng sayute na hindi na nabunga. Midyo mayangasngas pag nilulun-ok pero masarap lalo na at pinisaan mo laang nga kalamundeng it ilang patak ng baguong balayan. ANg pagkasarap. Tutuong maustansya ang mga kinakaen ni Andang Turay. Balikan natin ang panahon nina Eva & Adan, sila ay walang palyok, kaldero, tapayan at ano mang uri ng lutuan. Sila ay nabuhay ng matagal dahil sa pagkain ng mga butil (hindi butleg), bungang kahoy at mga hilaw na gulay. ANg pagkain ng karne,(masarap ang pindang na kambeng) at lamang kati (Flesh) ay nagdudulot ng marameng saket o karamdaman. Halimbawa ang dugo, atay at mga lamang luob ng mga hayop ay nagtataglay ng mga “toxins” o lason. Andiyan din ang mga lamang tubig (seafoods), Alam ga ninyo na ang katang, alimasag at mga kauri nito ay nagtataglay ng mga “heavy metals” (hindi ito musika) gaya ng lead (tingga) mercury (asuge) na sanhi ng sakit na cancer? Mangyari ay sila ang tagalinis ng dagat. Pansinin din na ang “zodiac sign” na CANCER ay alimasag.
Ilan la-anh iyan sa mga maibabahagi ko sa inyo. Pagkakadame ko pang alam tungkol sa kalusugan ( kaya nga ako valedictorian eh) hehehe.
O sya, yaya-o muna ako at nakitib na ang sikmura ko. Kahit bahaw ay lalantakan ko.
Paalam.
Ka Omben
Posted by Omben at April 30, 2009, 11:36 amKabayang Andoy, Akuy napaisip sa sinabi mong ang ulam mo ay binitad na sapsap. Di ga pahkakahirap bitarin iyan? Ang alam koy inaasnan na laang at ilalagay sa bilao at ibibilad sa bubong. Syempra tatakpan mo para hindi ka maunahan ng pusang lampong.
Dilis yata ang binibitad. hehehe. gandang umaga sa iyo.
Omben
Posted by Omben at May 4, 2009, 9:46 amhello po magandang araw saiyo kuya………….pasali din po ha?
Posted by maylyn bagunu at June 1, 2009, 12:41 pmSige laang kabayan. Ikaw ga ay tagasaang bayan?
Posted by kaandoy at June 1, 2009, 10:40 pmKa Andoy, kumusta na ga? Ang pagkakatagal na tayong hindi nakakapaglipon. Ano ga ang pinagkakaabalahan na aking kababayan? Ako namay bala sa mga gawain sa tanggapan. Pero pinipiho kong tuwing weekend ay pumailaya sa may Tagaytay upang tan-awan ang magandang tan-awin. Nakaka tagtag ng aligaga sa buhay pag ikaw ay naka tangla sa lawa. Duo’y ang hampas ng hanging pagkakalameg ay nagpapa alwan ng pakiramdam. Nakakaalis ng sura at iyamot sa buhay ang kagilagilalas na panoorin. Pag akoy nasa upisina ay kung anu ano ang mga isipang lumiligalig sa akin.. Andiyan ang mga kathang sulatin na may takdang panahong palugit. Nakakasura na talaga. Babalinguynguyin ka talaga. Naalala ko nuong bata pa ako na kasama ni Ama sa bukid, my sukbit na gulok at pay pas-ang kabalyas. Kung minsan naman ay may hila akong kabayo na may bakid sa magkabilang tabi na ang karga at kumpay. Maririndi ka sa huni ng mga ibon at ingay ng mga kagaykay kasama na ang mga paklong kabayo. Anyan din ang mga u-ang nitog na ganagawa kong laruan pag hindi ko na makain. Masarap ang u-ang kabayan pag itoy isinangag mo sa maraming bawang. Tamang tama sa isang puswelong lambanog. Kung minsan naman ay tuba na galing sa irok o kaong. Tunay na p[agka inam balikan ang alaala ng aking kabataan. Pero ngay-on, wala ka na halos makitang mag ibon na nalipad at wala ng mga kulisap kundi mga bahay at mga pagawaang gusali bunga ng industriayalisasyon. Wala ng mag kalabaw na sakayan na bumibilis ang lakad pag nahahaplit ng lanubo ng kakawati. Namimis ko din ang mga pantal na dala ng higad. Oo ang mga araw na yaon ay malabo ng magbalik o maibalik. Ngay-on ko nadarama ang pangungulila sa mala paraisong kalagayan kahit nagdidildil laang kame ng asin. O sya pagkahaba na nire. sa uulit ha?
Omben
Posted by Omben at June 15, 2009, 2:16 pmTama ka Omben, nakapangungulila ang mga magagandang ala-ala ng kahapon. Nang ako ay muling tumira kasama ang aking mga magulang sa Binondo, nadilat ang aking isipan sa mga pagkakaiba ng buhay sa Batang-gas at dito sa Maynila.
Kakaiba ang mga gawi. Palakaibigan sa lalawigang aking kinagisnan.
Posted by kaandoy at June 19, 2009, 6:28 pmAll comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.







At nakita ko ang bunso kong kapatid na nagtatago sa saya ni Nanay habang paspas naman ni Tatay ng panlit, ang nakikiusap na Ina ay walang magawa..pero dapat lang dahil si Ako at si Bunso ay nagkasala.
Panlit- isang stick/patpat na masakit dumapo sa balat
Posted by KULISAP at April 2, 2009, 12:49 pm